<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=11835693&amp;blogName=Think+Out+of+the+Blog&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLUE&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http://rtmeneses.blogspot.com/search&amp;blogLocale=en_US&amp;v=1&amp;homepageUrl=http://rtmeneses.blogspot.com/&amp;vt=-6396906658118510384" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>

Thursday, April 21, 2005

Nakakawiling mga Aral

Sigurado akong hinding-hindi nyo malilimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil ng payo na nakuha nyo sa inyong mga magulang. Naririto ang ilan... sounds familiar ba?

1. Si Inay, tinuruan tayo HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay!"

2. Natuto tayo ng RELIGION kay Itay.
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

3. Kay Inay tayo natuto ng LOGIC.
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

4. At kay Inay pa rin tayo natuto ng MORE LOGIC.
"Kapag ikaw ay nalaglag dyan sa bubong, ako lang mag-isang manonood ng sine."

5. Si Inay din ang nagturo sa atin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY.
"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng ikaiiyak mo!"

6. Si Inay ang nagpaliwanag sa atin kung ano ang CONTORTIONISM.
"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!"

7. Si Itay ang nagpapaliwanag sa atin kung ano'ng ibig sabihin ng STAMINA.
"Huwag kang tatayo dyan hangga't di mo natatapos 'yang lahat ng pagkain mo!"

8. At si Inay ang nagturo sa atin kung ano ang WEATHER.
"Lintek talaga kayo, ano ba itong kwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"

9. Ganito ang paliwanag sa atin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE.
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."

10. Kay Itay tayo natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
"Tumigil ka nga dyan! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!"

11. Si Inay naman ang nagturo kung ano ang ibig sabihin ng GENETICS.
"Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!"

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa atin kung ano ang ibig sabihin ng ENVY.
"Maraming mga batang ulila sa magulang, 'di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"

13. Si Itay naman ang nagturo sa atin ng ANTICIPATION.
"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"

14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung ano ang ibig sabihin ng RECEIVING.
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"

15. Si Inay naman ang nagturo sa atin kung ano ang HUMOR.
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, huwag na huwag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"

16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan natin kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE.
"Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak magiging katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!"